Tuesday, December 12, 2006

Awit ng Dahon

Nalimot ko na ang samyo ng bukid,

Ang bango ng himpapawid sa dapithapon.

Ngiti ng mga bulaklak sa parang, di’y

Naglaho sa ala-alang ulap ng kahapon.

Liban ngayon…

Hindi habang hawak ang iyong kamay,

Habang ang labi mo ay malapit sa akin;

Na sa bawat salita mo ay isang panaginip,

Ng nakaraang liwanag ng araw sa tagsibol.

Halika…

Ating palayain ang yakap ng pag-ibig,

At balikan ang mga nakalimutang Sayaw—

—sabay sa awitin ng mga Dahon.

No comments: