Sa Tula ng Dalampasigan Ako Nahimlay
Sa tula ng dalampasigan ako nahimlay,
Yakap ang makatang liriko ng aplaya.
Mga marahang taludtod-- isang pagniniig,
Ng buhangin at alon at mga pusong tugma.
At sa bawat saknong, buhay ang pag-ibig---
Damdaming nakaukit, kailanma'y bibigkasin,
Kasabay ang saliw ng hangin sa karagatan
At paglapat ng pluma sa samyo ng alapaap.
Ang awitin ng baybayin---aking pagmamahal.
Na bawat salita'y musika sa pandinig ng mga tala.
Pangako ko'y di ito mabubura; katulad ng halik
Ng buhangin at alon at mga pusong nakatadhana
No comments:
Post a Comment